Bulkang Mayon, nananatiling nasa alert level 2

Nakapagtala ang Philippine Volcanology and Seismology (PHILVOLCS) ng tatlong volcanic earthquakes at apat na rock fall events sa 24-hour observation nito sa bulkang Mayon.

Ayon sa PHILVOLCS, ang mga lindol ay konektado sa phreatic eruption events.

Nagdulot ito ng light brown hanggang grayish na abo na ibinuga 500 hanggang 1,000 metro mula sa bunganga ng bulkan.


Nagkakaroon din ng mahina hanggang sa katamtamang paglalabas ng puting usok.

Nananatiling nasa alert level 2 ang Mayon mula pa nitong March 29, 2018.

Nagbabala ang PHIVOLCS sa publiko sa mga biglaang pagsabog, paglalabas ng lava at pyroclastic density currents at ash fall.

Pinagbabawalan ding pumasok sa six-kilometer permanent danger zone at pinaiiwasang pumasok sa seven-kilometer extended danger zone.

Facebook Comments