Ibinaba na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa ang Alert Level 0 ang status ng Mt. Pinatubo sa Zambales.
Ito ay dahil sa patuloy na pagbaba ng earthquake activity ng bulkan.
Mula July 1 hanggang August 11, nakapagtala lamang ang PHIVOLCS ng 104 na volcanic earthquakes o average na dalawa hanggang tatlong pagyanig kada araw na may lakas lamang na 0.3 hanggang 1.3.
Noong Hunyo, una nang ibinaba ng PHIVOLCS sa normal level ang Bulkang Mayon sa Albay habang nananatili sa Alert Level 2 ang Bulkang Taal sa Batangas.
Facebook Comments