Nasa alert level 1 pa rin ang Bulkang taal at Bulkang Kanlaon.
Ito ang inihayag ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Officer in Charge Teresito Bacolcol sa Laging Handa public briefing.
Ang Bulkang Taal ay matatagpuan sa Batangas habang ang Bulkang Kanlaon ay makikita sa Negros Occidental.
Ayon kay Bacolcol, simula taong 2022 ay nasa alert level 1 ang Bulkang Taal
Kamakalawa aniya ay nakapagtala sila ng 19 na volcanic earthquakes sa Bulkang Taal mataas ito kung ikukumpara nitong June 19 at june 20 na mayroon lamang 11 volcanic earthquakes.
Pero mahihina lang ang mga volcanic earthquakes na ito ng Bulkang taal.
Sa monitoring naman sa bulkang kanlaon ayon kay Bacolcol nasa alert level 1 din simula pa noong 2020.
Kahapon ng umaga ay mayroong dalawang volcanic earthquakes ang Bulkang Kanlaon.
Sa kabila naman na nasa mababang alert level ang dalawang bulkan pinaiiwas pa rin ng PHIVOLCS ang mga residente sa permanent danger zone ng mga bulkang ito dahil delikado lalo’t konek-konek ang pag-aalburuto ng bulkan.
Sa ngayon kasi ay nasa alert level 3 ang Bulkang Mayon sa Albay.