Bulkang Taal, ibinaba sa Alert Level 2

Ibinaba ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Alert Level 2 ang Bulkang Taal matapos bumaba ang eruptive activity.

Matatandaang nagkaroon ng phreatomagmatic eruption ang bulkan noong July 1 kaya inilagay ito sa Alert Level 3, na nasundan ng phreatomagmatic burst noong July 9.

Ayon sa Phivolcs, nakakapagtala sila ng seismic activity, mahinang paglalabas ng volcanic gas, ground deformation, at positive microgravity anomalies.


Mula nitong July 1, nakapagtala ang Phivolcs ng 1,195 volcanic earthquakes na may magnitude sa pagitan ng 1.8 hanggang 4.6.

Ang ibinubuga nitong Sulfur Dioxide ay may average na 12,161 tonnes per day noong unang linggo ng Hulyo, at naitala ang 22,628 tonnes per day noong July 4.

Bumaba ito ng 4,763 tonnes per day sa pagitan ng July 8 at 22.

Sa ilalim ng Alert Level 2, humina lamang ang aktibidad ng bulkan, pero hindi pa rin inaalis ang posibilidad ng banta ng pagsabog.

Ang bulkan ay magkakaroon pa rin ng phreatic explosions, volcanic earthquakes, ashfall at paglalabas ng volcanic gas.

Facebook Comments