Inihayag ngayon ng Philippine Volcanology and Seismology o PHILVOCS na may ilang araw nang tahimik at madalang na nagparamdam ng mga pagyanig ang Bulkang Taal sa Batangas.
Sa pinakahuling bulletin na inilabas ng PHIVOLCS kaninang alas-8:00 ng umaga, isang volcanic earthquake at low-level background tremor na lang ang naitala nito sa nakalipas na 24 oras.
Gayunman nanatili pa rin ang upwelling ng mainit na volcanic fluids sa main crater na lumikha ng plumes na may taas na 3,000 metro.
Nakapaglabas pa ang bulkan kahapon ng average na 6,077 tons per day na sulfur dioxide na nagdulot ng fog sa bisinidad nito.
Nakataas pa rin ang Alert Level 2 status sa bulkan at hindi pa rin inaalis ang posibilidad ng muling pagsabog.
Facebook Comments