Magkakaroon na lamang ng mga mahihinang pagsabog ang Bulkang Taal.
Paliwanag ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Director Renato Solidum Jr., ang magma ay nasa mababaw na lebel na lamang.
Hindi na aniya magkakaroon ng malakas na pagsabog na tulad noong Enero 2020.
Ang phreatomagmatic eruption ay dulot ng magma na nagdampi sa tubig.
Gayumpaman, hindi pa rin inaalis ng PHIVOLCS ang posibilidad na magkaroon ng malakas na pagsabog.
Ang Bulkang Taal ay nananatili sa Alert Level 3 dahil sa patuloy na magmatic activity.
Ipinagbabawal ang publiko na pumasok sa buong Taal Volcano Island na itinuturing na permanent danger zone.
Facebook Comments