Bulkang Taal, mananatili sa Alert Level 3 matapos makapagtala pa rin kahapon ng dalawang pagsabog

Nakapagtala pa kahapon ng dalawang pagsabog ang main crater ng Bulkang Taal.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ito bandang alas-4:34 at alas 5:04 ng umaga kahapon at umabot sa 800 metro at 400 metro ang taas ng ibinugang usok ng bulkan.

Bukod diyan, umabot rin sa 14 na volcanic earthquakes ang naitala ng PHIVOLCS sa nakalipas na 24 oras.


Dahil dito, mananatili sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal kung saan posible pa rin daw ang pagsabog sa mga susunod na oras o araw.

Noong Sabado ng umaga, naitala ng PHIVOLCS ang dalawang phreatomagmatic bursts na umabot sa 3,000 metro ang taas at nagdulot din ng ashfall sa mga kalapit na bayan.

Facebook Comments