Bulkang Taal, muling nagbuga ng makapal na usok

Muling nagbuga ng makapal na ‘steam plume’ o usok ang Bulkang Taal kaninang umaga.

Base sa Taal Volcano Observatory, umabot sa taas na 2,000 meters ang usok mula sa main crater.

Nakapagtala rin ng 39 na volcanic earthquakes sa paligid ng bulkan sa nakalipas na 24 oras.


Patuloy rin itong naglalabas ng sulfur dioxide (so2) na may average na 5,299 tones per day at may taas na 3,000 meters.

Nananatili sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal, ibig sabihin ay maaari pa ring magdulot ng pagsabog ang paggalaw ng magma mula sa main crater.

Facebook Comments