Bulkang Taal, muling nagkaroon phreatic eruptions ngayong umaga

Muling naobserbahan ang phreatic eruptions sa Bulkang Taal ngayong umaga.

Batay sa monitoring ng Office of Civil Defense (OCD), naitala ang pagsabog sa pagitan ng alas-8:50 ng umaga hanggang alas-8:52 ng umaga.

Muling itong naulit sa pagitan ng alas-9:09 hanggang alas-9:12 ng umaga.


Bunsod nito, pinaaalerto ngayon ng OCD ang mga residente malapit sa Bulkang Taal sa Batangas.

Mahigpit rin ipinagbabawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island lalo na sa main crater at daang kastila fissures, pamamalagi sa lawa ng taal, paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan.

Sa ngayon ay nananatiling nasa Alert Level 1 ang Bulkang Taal.

Facebook Comments