Bulkang Taal, muling nakapagtala ng 175 volcanic earthquakes sa loob ng 24-oras

Umabot sa 175 volcanic earthquakes ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24-oras.

Bukod dito, nasa 131 tremors din na tumatagal ng isa hanggang labing limang minuto ang naitala na indikasyon na patuloy ang banta ng bulkan.

Ayon sa PHIVOLCS, nasa 100 metro ang taas ng inilalabas na usok ng taal at aabot sa 603 tonnes per day ang sulfur dioxide na ibinubuga nito.


Bunsod nito, patuloy ang babala ng PHIVOLCS sa publiko na nananatiling naka-alert level 2 ang Taal at patuloy ang mga aktibidad nito na posibleng magdulot ng pagsabog.

Facebook Comments