Muli na namang nagpapakita ng aktibidad ang Bulkang Taal.
Base sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS sa nakalipas na 24 oras, nakapagtala sila ng 52 paglindol na ang ilan ay tumagal ng isa hanggang 5 minuto.
Naglabas din ang bulkan ng steam plum o malakas na pagsingaw na umabot hanggang 2,000 meters at ito ay napadpad sa kanluran-timog kanluran.
Ayon sa PHIVOLCS, maaring magkaroon ng biglaang pagputok ng steam o phreatic explosion.
Pwede ring magkaroon ng volcanic earthquake, manipis na ashfall o pagbuga ng nakakalasong kemikal.
Sa ngayon, nasa Alert Level 2 pa rin ang Bulkang Taal kaya’t bawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island at paglipad ng kahit anong sasakyang panghimpapawid sa tuktok ng bulkan.
Facebook Comments