Bulkang Taal, naglabas ng steam plume kaninang umaga

Nakitaan ng tahimik na pagbuga ng singaw o steam plume ang Taal Main Crater kaninang umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nagsimula ang ganitong pasulpot-sulpot na aktibidad ng bulkan alas-11:00 kagabi kasabay ng mga pag-ulan.

Sa nakalipas ng 24 oras, 10 volcanic earthquakes lang ang naitala sa bulkan kabilang ang dalawang low frequency volcanic earthquake at walong volcanic tremors na tumagal ng dalawa hanggang 20 minuto.


Pinaalalahanan naman ng PHIVOLCS ang mga tao na huwag matakot pero dapat na manatiling mapagmatiyag.

Facebook Comments