Bulkang Taal, patuloy na nagbubuga ng sulfur dioxide

Patuloy na naglalabas ng mataas na lebel ng sulfur dioxide ang Bulkang Taal na nagiging dahilan ng presensya ng volcanic smog sa paligid nito.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), tinatayang 8,577 metric ton ang inilalabas na sulfur dioxide ng bulkan.

Nagbuga rin ito ng plumes na umabot sa 3,000 metro ang taas sa direksyon ng timog-kanluran.


Umabot naman sa 42 ang naitalang volcanic earthquake sa bulkan kung saan anim ang volcanic tremor habang 36 ang low-frequency volcanic earthquakes.

Ang Bulkang Taal ay nananatiling nakataas ang Alert Level 2 kaya’t ipinagbabawal ang pagpunta sa Permanent Danger Zone nito.

Facebook Comments