Patuloy na naglalabas ang Bulkang Taal ng mataas na lebel ng sulfur dioxide (SO2) na nagliliha ng usok na may taas na higit dalawang kilometro mula sa main crater.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang average SO2 emission ng Bulkang Taal ay nasa 5,466 tonnes.
Ang record-high na sulfur dioxide emission ay nasa 22,628 tonnes noong July 4.
Kabuoang 86 volcanic earthquakes ang naitala.
Nananatiling nasa Alert Level 3 ang bulkan dahil sa patuloy na ‘magmatic unrest.’
Facebook Comments