Bulkang Taal, patuloy sa pag-aalburoto

Patuloy ang pag-aalburoto ng Bulkang Taal sa Batangas.

Sa nakalipas na 24 oras, nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS ng 17 volcanic earthquakes kabilang na ang 16 na volcanic tremor events na may tagal na 36 na minuto, isang low frequency volcanic earthquake, at low-level background tremor na nagsimula pa noong July 7, 2021.

Mataas ang level ng volcanic sulfur dioxide emissions at steam-rich plumes na may taas na 1,800 metro bago malusaw sa may Timog Kanluran ng main crater ng Bulkan.


Umaabot sa 3,755 tonelada ng abo ang nailuwa ng bulkan.

Nasa Alert level 3 pa rin ang status ng bulkan na nagpapakita ng magma mula sa main crater nito na maaaring magdulot ng pagsabog.

Bawal pa ring pasukin ng sinuman ang buong Taal Island dahil sa banta ng pyroclastic density currents at volcanic tsunami oras na sumabog ito.

Facebook Comments