Bulldozer sa City of Ilagan, Isabela, Sinunog ng Riding in Tandem?

*Ilagan City, Isabela-* Patuloy pa ang isinasagawang pagtugis at pag-iimbestiga ng City of Ilagan Police Station hinggil sa panununog ng dalawang kalalakihan na lulan ng motorsiklo sa isang bulldozer sa Sitio Kapaltatan, Brgy. Sindun Bayabo, City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang mga biktima at may-ari ng Bulldozer na sina Alexander Cruz at Ruben Molina Sr. at resident ng Brgy San Antonio, City of Ilagan, Isabela.

Batay sa nakuhang report ng RMN Cauayan, alas diyes ng gabi noong Disyembre 9, 2018 nang sadyang sunugin ng umano’y dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo ang nasabing Bulldozer na nakaparada lamang sa lote ng mga biktima gamit ang mga tela.


Ayon naman kay ginoong John Rico, caretaker ng lote ng mga biktima, may nakita umano itong dalawang kalalakihan na sakay ng motorsiklo na agad ring umalis patungo sa lansangan.

Inaalam pa ng PNP ang motibo ng panununog at pagkakakilanlan ng mga suspek.

Facebook Comments