Bullet casings, bahagi na ng ebidensya laban kay Nuezca – PNP

Bahagi na ng ebidensya laban sa tinaguriang ‘killer cop’ na si Police Staff Sergeant Jonel Nuezca ang bullet casings na narekober mula sa crime scene.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Police General Debold Sinas, kinumpirma ng mga imbestigador na ang bullet casins na nakolekta sa lugar kung saan pinatay ang mga biktimang sina Sonya at Frank Gregorio ay mula sa 9mm pistol na inisyu kay Nuezca.

Aniya, nagtugma ang baril sa mga bala at basyo natagpuan sa pinangyarihan ng krimen.


Bago ito, sinabi ni Sinas na nakuha na nila ang original copy ng video ng insidente kung saan makikitang binaril ni Nuezca ng malapitan ang mga biktima.

Ang kopya ng mga video at ang cellphone na ginamit ng isang 12-anyos na lalaki ay isinumite na PNP Anti-Cybercrime Group para sa forensic examination.

Facebook Comments