“Bully ba ang China?” – itatanong ni Panelo kay PRRD

“Bully ba ang China?”

Hindi makapagbigay ng diretsong sagot si Presidential spokesperson Salvador Panelo nang tanungin kung sang-ayon ba siya sa pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na ang pagkuha ng China sa Panatag o Scarborough Shoal ay maituturing na ‘bullying.’

Ayon kay Panelo, sang-ayon siya kay Lorenzana pero kaugnay ito sa pambu-bully ng Chinese Coast Guard sa mga Pilipinong mangingisda.


Tatanungin din niya si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil dito.

Ang Panatag Shoal ay isang traditional fishing ground malapit sa Zambales na nasa ilalim na ng kontrol ng China mula pa noong 2012.

Facebook Comments