‘BULLY’ | Harry Roque, pinamimili kung gustong mag-Presidential Spokesperson o mag-abogado – VACC lawyer

Manila, Philippines – Hinamon ni Atty. Ferdie Topacio, isa sa mga volunteer lawyer ng Volunteer Against Crime and Corruption si Harry Roque na mamili kung nais niyang magpatuloy bilang Presidential Spokesperson o mag-practice bilang abogado.

Tinawag ni Topacio na ‘bully’ si Roque dahil ginagamit ang kaniyang pagiging taga-pagsalita ng Pangulo para siraan ang imahe ng Court of Appeals kaugnay ng pagkakapalaya kay dating Palawan Governor Joel Reyes.

Taliwas aniya sa gustong palitawin ni Roque, hindi nakialam ang CA sa trial ng kaso ni Reyes.


Aniya, nasundot ang pride ni Roque dahil bilang abogado ng pamilya Ortega, hindi niya matanggap na hungkag ang kaniyang lawyering skills sa paghawak sa murder case ni broadcaster environmentalist Gerry Ortega.

Idinagdag ni Topacio na mahina ang ebidensya laban kay Reyes at pinulitika aniya ito nang ipinilit sa panahon noon ni dating DOJ Secretary at ngayon ay Senador Leila Delima na malimit bisitahin ng mga Ortega.

Facebook Comments