BULLYING | DepEd, babantayan ang magiging hakbang ng Ateneo

Manila, Philippines – Mino-monitor na ng Department of Education (DepEd) ang magiging aksyon ng Ateneo de Manila University sa viral video ng pananakit ng isang junior highschool student sa kapwa estudyante nito.

Ayon kay Atty. Suzette Medina, Director ng Department of Education (DepEd)-legal services, mayroong umiiral na Anti-Bullying Act of 2013 kung saan dapat mayroong anti-bullying policies ang mga pribadong paaralan.

Sabi naman ni Senior Superintendent Gemma Vinluan ng Philippine National Police Women and Children’s Protection Center, dahil menor de edad ang sangkot ang paaralan at ang mga magulang nito ang pwedeng papanagutin dito.


Dapat rin aniyang sumailalim sa counselling ang magulang at ang estudyante.

Facebook Comments