Bullying incident sa Ateneo, wake up call para mas paigtingin ang kampanya kontra bullying

Manila, Philippines – Hinimok ng Department of Education (DepEd) ang private at public school na mas patibayin pa ang ugnayan para labanan ang pambu-bully sa mga paaralan.

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, hindi natatapos ang problema ng bullying kahit ma-dismissed pa ang junior high school na nag-viral sa social media.

Dahil dito sinabi ni Secretary Briones na dapat i-review ang mga panuntunan sa anti-bullying sa private at public sector para mas maprotektahan ang estudyante.


Nagpasalamat naman si Briones sa media at publiko na naging sensitibo sa issue kung saan naging aware ang karamihan sa insidente ng pambu-bully.

Wake up call din aniya ito para sa lahat na magreresulta para mas maprotektahan at mabigyan ng pansin ang mga mag-aaral.

Facebook Comments