Manila, Philippines – Dumulog na sa pulisya ang magulang ng isa sa mga estudyante na nabiktima ng pambu-bully sa Ateneo de Manila University.
Ayon kay QCPD Station 9 Commander Superintendent Cipriano Galanida – nagtungo sa kanilang women and children’s desk ang mga magulang ng 14-anyos na batang lalaking na-bully para magpa-blotter.
Ipinakita ng mga magulang sa mga pulis ang resulta ng physical at medical examination ng biktima.
Hindi naman na tinukoy ni Galanida ang pakakakilanlan ng mga complainant.
Hindi rin naman kasi maaaring pangalanan ang biktima dahil sa pagiging menor de edad.
Facebook Comments