BULTO NG BASURA SA PAMILIHAN NG URBIZTONDO, TINUTUTUKAN

Ipinag-utos ang paghihigpit sa maayos na pagtatapon ng basura sa Urbiztondo matapos ang tila ‘eye sore’ na bulto ng basura na naiimbak sa pampublikong pamilihan.
Nagmumula umano sa mga kabahayan na malapit sa plaza at palengke ang basura dahilan ng hindi kaaya-ayang bungad sa mga mamimili.
Dahil dito, hinimok ng lokal na pamahalaan ang maagap na pakikipagtulungan ng mga manlalako upang matutukan ang basurang ibinabagsak sa palengke maging ang kanilang sariling basura.
Inabisuhan din ang mga residente at barangay council sa pamamahala ng basura at gamitin ang Material Recovery Facility o MRF na matatagpuan sa Brgy. Bayaoas.
Hiling na maresolba ang problema sa basura upang mapagaan din ang paghahakot o koleksyon araw-araw. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments