Bulto ng mga kabataan, nagtatrabaho sa mga industriyang mababa ang pasahod

Mayorya ng mga kabataan ang kabilang o nagtatrabaho sa mga industriyang may mababang pasahod.

Ito ang naungkat sa pagdinig ng Senate Committee on Youth kung saan lumalabas na nasa ‘low paying industry’ ang bulto ng mga kabataang nagtatrabaho na may edad 15 hanggang 24 o 15 hanggang 30 taong gulang.

Batay sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang top 5 major industries kung saan nagtatrabaho ang mga kabataang edad 15 hanggang 24 ay nasa wholesale and retail kasama ang motor vehicles at motorcycle repair na nasa 25% , agrikultura na nasa 21.5%, construction na nasa 10.7%, manufacturing na nasa 8.9% at iba pang serbisyo kabilang ang health and wellness na nasa 5.3%.


Pero ayon kay Youth Committee Chairman Senator Sonny Angara, kahit 66% ng youth employment ay kabilang sa mga nabanggit na top 5 industries lumalabas na mababa ang pasahod sa mga ito.

Para sa senador, malaking hamon kung paano maipapasok sa mga ‘higher paying jobs’ ang karamihan sa mga kabataan.

Sa underemployment naman sa kabataan o yung mga naghahanap pa ng mas mataas na sahod at mas mahabang oras ng trabaho, pinakamataas sa sektor ng agrikultura, sinundan ng wholesale repair ng motor vehicles, construction, manufacturing at food service activities.

Facebook Comments