Manila, Philippines – Umaabot na sa 463 ang naitala ng Department of Health (DOH) na bilang ng mga nasugatan sa paputok sa pagsalubong sa bagong taon.
Ang nasabing bilang ay naitala ng DOH mula December 21, 2017 hanggang January 5, 2018.
Ayon sa DOH, ang nasabing figure ay mas mababa ng 27-percent kumpara noong nakaraang taon.
Wala naman anilang namatay dahil sa paputok,at wala ring naitalang fireworks ingestion at tinamaan ng ligaw na bala.
Sa naitalang kasong 463, pinakamarami sa mga biktima ay mula sa Metro Manila na nakapagtala ng 248 kaso; Ilocos Region ay may 46 kaso; CALABARZON at Western Visayas ay may tig-45 kaso; Central Luzon ay 28; Central Visayas at Bicol ay may tig-labing-limang kaso.
Ang edad ng mga naputukan ay mula labing-isang buwang gulang hanggang 69-taong gulang.
Ang piccolo pa rin ang nangungunang sanhi ng pagkasugat ng mga biktima na may 33-percent; kwitis ay 12-percent; luces ay 6-percent at fountain 5-percent.