Manila, Philippines – Bumagsak ang agricultural trade ng Pilipinas nitong 4 th quarter ng 2017.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba ang apat na porsyento o katumbas ng halos 218. 2 billion pesos ang agricultural trade dahil na rin sa pagbaba sa export at pag-angat ng imports.
Nanatili naman ang Japan sa isa sa major trading partners ng Pilipinas na may trade surplus na 129.54 million dollars.
Sa kabuuan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ang Pilipinas ang may pinakamalaking agriculture deficit na may 838.33 million dollars.
Sa mga bansa sa Timog-silangang Asya, ang Thailand ang nangungunang destinasyon para sa exports.
Facebook Comments