Manila, Philippines – Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong nagsasabing sila ay nagugutom.
Sa 1st quarter survey ng Social Weather Stations (SWS), 9.9% o 2.3 million na pamilya ang nakakaranas ng involuntary hunger.
Mababa ito kumpara sa 15.9% o 3.6 million na pamilya noong December 2017.
Nasa 8.6% naman ang nakakaranas ng ‘moderate hunger’ habang nasa 1.3% naman ang ‘severe hunger’.
Mas maraming nagsasabing nagugutom sila sa Visayas (13%), kasunod ang balance Luzon (11%), Mindanao (7.33%) at kakaunti ang nagsasabing nagugutom sila sa Metro Manila (6%).
Isinagawa ang survey mula March 23 hanggang 27 sa 1,200 respondents.
Facebook Comments