Nabawasan ang bilang ng mga terorista, partikular ng Abu Sayyaf group sa Jolo Sulu at Basilan.
Ito ang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa harap na rin ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagpatay sa mga natitira pang terorista sa Mindanao.
Ayon sa kalihim, maliit na lang ang bilang ng mga terorista sa Sulu at Basilan na malaking challenge para sa militar para tugisin ang mga ito.
Tantya ni Lorenzana, nasa isang daan terorista mayroon sa Sulu habang nasa 35 terorista naman ang natitira sa Basilan.
Habang sa may Central Mindanao aniya ay mayroong mga Bangsamoro Islamic Freedom Fighter o BIFF na nasa 100 hanggang 150 pa.
Patuloy aniyang nanggugulo at nasasangkot sa kidnapping ang mga teroristang ito.
Sa huling bilang ni Lorenzana mayroon pang syam na bihag ang ASG na ngayon ay target pa rin sa rescue operation ng militar.