BUMABA | Buying power ng isang manggagawa sa private sector, aabot lang sa ₱200 – ALU-TUCP

Manila, Philippines – Aabot na lamang sa dalawandaang piso kada araw ang buying power o halaga ng kayang gastusin ng isang manggagawa sa pribadong sektor.

Ito ay batay sa monitoring at evaluation ng Alliance of Labor Unions – Trade Union Congress of the Philippines o ALU-TUCP.

Ayon kay ALU-TUCP spokesperson Alan Tanjusay, ang katumbas ng dalawandaang piso kada araw na buying power ay mas mababa kumpara sa mahigit dalawangdaan at walong pisong na naitala noong Hunyo.


Anya, bumaba ang buying power ng mga manggagawa dahil sa inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo at sa hindi pagtaas ng sahod.

Una nang sinabi ng National Economic Development Authority o NEDA na kinakailangang mayroong apatnapu’t apat na libong piso kada buwan o isanlibo apatnaraang piso kada araw ang isang pamilyang may limang miyembro para makapamuhay ng disente.

Facebook Comments