Manila, Philippines – Tiniyak ng ilang eksperto na hindi dapat ikabahala ang P53.23 palitan ng piso kontra dolyar.
Ayon sa ilang economic managers, ang mahinang palitan ng piso ay hindi nangangahulugang mahina ang ekonomiya ng bansa.
Anila, epekto ito ng planong pagtaas ng interest rates ng amerika kaya at naglilipatan ang mga investor at fund manager sa dollar investments at iniiwan ang ibang currencies.
Nakadagdag rin anila sa paghina ng piso ang lumaking “trade deficit” ng bansa.
Ibig sabihin, mas malaki at marami ang inangkat sa ibang bansa kaysa sa in-export nito.
Kailangan kasi ng mga imported na equipment para suportahan ang programang “Build, Build, Build” ng gobyerno at iba pa.
Gayunman, mas makikinabang naman rito ang sektor ng Business Process Outsourcing (BPO), remittances ng mga OFW, at exports.