BUMABA | Halaga ng piso kontra dolyar, patuloy na humihina

Manila, Philippines – Bumulusok pa sa pinakamababang halaga o 12-year low ang piso.

Ito ay matapos magsara kahapon ang palitan sa P53.515 kontra isang dolyar.

Kabilang sa mga dahilan ay ang lumalawak na trade deficit ng Pilipinas, tariff wars sa pagitan ng mga malalaking bansa at mataas na US Federal reserve rate.


Sa ngayon, ang piso ang itinuturing na ‘worst-performing’ currency sa Asya ngayong taon.

Facebook Comments