BUMABA | House Speaker Pantaleon Alvarez at Supreme Court on leave Chief Justice Maria Lourdes Sereno, bumulusok pababa ang kanilang net satisfaction sa bagong survey ng SWS

51

Manila, Philippines – Bumaba ang net satisfaction rating ng ilang matataas na opisyal ng bansa ngayong 1st quarter ng 2018.

Sa bagong survey ng Social Weather Stations (SWS), bumagsak ng +32 ang net satisfaction ni Vice President Leni Robredo mula sa dating +42 noong Disyembre 2017 pero katumbas pa rin nito ang ‘good’ rating.

Nanatili ring ‘good’ para kay Senate President Koko Pimentel kahit bumaba ng walong puntos ang net satisfaction na nasa +41.

Bumulusok ng 13 puntos ang net satisfaction ni House Speaker Pantaleon Alvarez na mayroong +1 o ‘neutral’.

Mula sa +6 noong Disyembre 2017, gumulong pababa sa -7 ang net satisfaction naman ni Supreme Court on leave Chief Justice Maria Lourdes Sereno, katumbas pa rin nito ang ‘neutral’ rating.

Isinagawa ang survey mula March 23 hanggang 27, 2018 sa 1,200 adult respondents sa buong bansa.

Facebook Comments