BUMABA | Kaso ng dengue sa unang limang buwan ng 2018, mas mababa kumpara noong 2017

Manila, Philippines – Umabot na sa 37,959 kaso ng dengue ang naitala sa buong bansa ngayong taon.

Datos ito ng Department of Health (DOH) mula January 01 hanggang May 26, 2018.

Pero pitong porsyento itong mas mababa kumpara sa halos 41,000 cases na naitala sa kaparehas na panahon nitong 2017.


Nakapagtala naman ng 195 namatay dahil sa dengue,

Karamihan sa mga natatamaan ng kaso ay may edad 10 hanggang 14.

Ang National Capital Region (NCR) pa rin ang may pinakamaraming kaso na May 6,493 kasunod ang Calabarzon (6,296), Central Luzon (5,997), Northern Mindanao (2,540), Western Visayas (2,314), at Central Visayas (2,241).

Facebook Comments