Manila, Philippines – Bumaba ang kaso ng kidnapping ngayong taon kumpara sa nakalipas na taon.
Ito ay batay sa datos ng PNP Anti-Kidnapping Group, sa kanilang datos labing anim lamang ang kanilang naitalang insidente ng kidnapping.
Mas mababa ito ng labing isang insidente kung ikukumpara nang nakalipas na taon na umabot sa dalawamput pitong insidente.
Sinabi ni PNP AKG Director Police Chief Superintendent Glen Dumlao, apat sa mga kaso ng kidnapping na kanilang naitala ay naresolba na kabilang rito ang paglansag sa siervo kidnapping group na binubuo ng mga ninja cops.
Kinumpirma naman ni Dumlao na nagpadala na ng mga surrender feelers sa kanila ang lider ng grupo na si PO1 Michael Siervo.
Tumanggi naman si Dumlao na idinetalye ito, pero may hakbang na aniyang ginagawa ang Laguna Police pada rito.
Matataandaang nadiskubre ng PNP-AKG na ang grupo ni Siervo ang nasa likod ng pagdukot sa isang Lola na si Bonifacio Pascual Arcitana pinalaya rin nila matapos matunugan na may alam na ang mga awtoridad.