
Manila, Philippines – Palalakasin ng local tobacco industry ang export market nito.
Ito ay kasabay ng patuloy na pagbaba ng domestic consumption ng sigarilyo dahil sa ipinatutupad ng smoking ban ng gobyerno at ng tax reform program.
Ayon kay National Tobacco Administation (NTA) Regulation Department Manager Rohbert Ambros, bumaba ang benta ng sigarilyo sa bansa.
Noong nakaraang taon, aabot sa 48.22 million kilograms ng tobacco ang nai-produced at inaasahang bubulusok ito ng 40 million kilo ngayong taon.
Bumaba rin aniya ang bilang ng tobacco farmers at tobacco planted areas.
Ang NTA ay ahensya sa ilalim ng agriculture department.
Facebook Comments









