BUMABA | Mas disiplinadong mga pulis, nakatulong upang bumaba ang crime rate sa Metro Manila ayon sa NCRPO

Manila, Philippines – Nakatulong ang internal cleansing sa Philippine National Police (PNP) para maabot ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pinaka mababang antas ng krimen nuong isang linggo sa loob ng halos 3 taon.

Ayon kay NCRPO Chief Director Camilo Cascolan, naging maganda ang pagttrabaho ng mga pulis dahil mas disiplinado ang mga ito sa ngayon.

Dahil dito bumaba ang insidente ng pagpatay at iba pang uri ng krimen at mas naging epektibo ang panghuhuli ng mga pulis sa mga criminal.


Matatandaang sa ulat ng NCRPO lumabas sa kanilang data monitoring nitong nakalipas na May 14-20 bumaba ang naitatalang krimen sa Metro Manila.

Kabilang dito ang murder, homicide, physical injuries, rape, robbery, theft, car theft, at motorcycle theft.

Ito na ang pinakamababang average weekly crime rate simula ng maupo sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments