Manila, Philippines – Nabawasan na ang mga evacuees sa mga evacuation centers na naapektuhan ng bagyong Vinta.
Batay sa huling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC 19, 485 pamilya na lamang ang nanatili ngayon sa 246 na mga evacuation centers.
Bumaba na ito kung ikukumpara sa dami ng mga evacuees sa mga evacuation centers kahapon na aabot sa 20, 870 pamilya.
Ang mga evacuees na ito ay na-monitor ng NDRRMC sa MIMAROPA, REGION 7,9,10,11,12,ARMM at CARAGA.
Sa ngayon umaabot na sa 10 milyon piso ang naibibigay na tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong vinta
Kaugnay pa rin sa epekto ng bagyong Vinta mahigit 52 milyong piso ang napinsala sa sektor ng agrikultura at mahigit 167 million pesos sa imprastraktura.
Nanatili sa 164 ang naitalang nasawi dahil sa bagyong Vinta, habang 176 naman ang nawawala at patuloy na pinaghahanap.