Manila, Philippines – Bumaba na sa 85 ang bilang ng politiko na nasa listahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na sangkot sa illegal drugs.
Sa isang press briefing, sinabi ni Aquino nabawasan na ang dating 93 na nasa listahan ng PDEA dahil may mga napatay at arestado na.
Congressman ang pinakamataas na puwesto habang sangguniang panglungsod ang pinakamababa sa mga mga politiko na saklot ng illegal na droga.
Inaantay na lamang ang PDEA ang hudyat at guidance mula kay Pangulong Rodrigo kung isasapubliko na ang narco politicians list.
Tinatapos na aniya ng PDEA ang adjudication process para matukoy kung sinu-sino ang tatanggalin sa listahan ng mga narco politicians.
Pero, kung si Dangerous Drugs Board Secretary Catalino Cuy ang masusunod, payag siya na isapubliko na ang pangalan ng mga narco politicians.
Pero, kung isasagawa ito ay dapat gawin na bago mag-eleksyon.