BUMABA | Net satisfaction rating ng Duterte administration – Bumagsak

Manila, Philippines – Bumagsak nang 12 puntos ang net satisfaction rating ngayon ng administrasyong Duterte.

Sa latest survey ng Social Weather Stations, mula sa +70 o excellent rating noong December 2017, bumaba sa +58 o very good ang net satisfaction rating ng administrasyon Duterte noong March 2018.

Sa survey, 69% ng mga Pilipino ang kuntento sa trabaho ng administrasyon, habang 11% ang hindi nasiyahan.


18% naman ang hindi makapagsabi kung kuntento sila o hindi sa trabaho ng adminstrasyon.

Isinagawa ng SWS ang survey mula March 23 hanggang 27 sa 1,200 sa iba’t ibang panig ng bansa.

Facebook Comments