Manila, Philippines – Bumagsak sa pinakamababang halaga ang palitan ng piso kontra sa dolyar sa nakalipas na labing dalawang taon.
Sa huling araw ng trading week, naitala ang P52.70 na closing rate kumpara sa P52.55 noong Huwebes.
Ang nasabing closing rate ay pinakamababa mula sa naitalang P52.745 na halaga ng piso kontra sa dolyar noong July 19, 2006.
Ayon kay Guian Angelo Dumalagan, Market Economist ng Land Bank of the Philippines, tumalon ang halaga ng dolyar sa huling bahagi ng trading dahil sa epekto ng nilulutong pag-uusap ng Amerika at North Korea.
Bahagya pa aniyang humina ang dolyar dahil sa profit taking matapos kanselahin ni US President Donald Trump ang June 12 Summit meeting sa NoKor.
Facebook Comments