Manila, Philippines – Patuloy pa ring bumababa ang rice inventory sa bansa.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), nitong Abril ay umaabot na lamang sa 2.18 million metric tons ang bigas.
Mas mababa ito kumpara sa 2.68 million mt noong 2017.
Sa unang pagkakataon, hindi tinukoy ng PSA kung ilang araw magtatagal ang stock inventory ng bigas.
Pero base na rin sa arawang konsumo ng mga Pilipino na 32,000 mt ang kasalukuyang imbentaryo ay kayang tumagal ng 68 araw.
Samantala, inaasahang darating sa katapusan ng buwan ang inangkat na 250,000 mt na bigas para sa supply ng National Food Authority (NFA).
Facebook Comments