BUMABA | TNC na Grab, bumaba ang kalidad ng serbisyo ayon sa PCC

Manila, Philippines – Tumaas ang presyo at bumaba ang kalidad ng serbisyo ng Transport Network Company (TNC) na Grab.

Ayon kay Philippine Competition Commission (PCC) Chairman Arsenio Balisacan, ito ay base sa kanilang survey na bahagi ng kanilang pag-aaral sa naging epekto ng pagbili ng Grab sa Southeast Asia operations ng Uber.

Gayunman, sabi ni Balisacan, kahit na may mga pumasok na bagong TNC, hindi pa rin nito matapatan ang laki ng sineserbisyuhan ng Grab kaya maituturing pa ring walang kakompetensiya ang Grab.


Ang base fare ng Grab ay gaya ng sa taxi na P40 pero kada kilometro depende sa layo, may P10 hanggang P14 na singil.

Nasa maximum pa rin na “times two” o doble ng pasahe ang surge rate.

Ngayong araw, nakatakdang muling didinggin sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang sinuspendeng P2 kada minutong singil ng Grab.

Facebook Comments