BUMABA | Unemployment rate sa bansa, bumaba habang underemployment rate, tumaas ayon sa PSA

Manila, Philippines – Bumaba ang bilang ng unemployment rate sa bansa batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Para sa buwan ng Abril, naitala ang 5.5 porsyentong unemployment rate na mas mababa sa 5.7 porsyento noong nakaraang taon sa kaparehong buwan.

Sa kabila nito, nadagdagan naman ang underemployment rate o ang mga may trabaho na pero nais pang magkaroon ng karagdagang pagkakakitaan.


Mula sa 16.1 percent noong April 2017 ay tumaas ang underemployment ngayong taon sa 17 percent.

Ayon kay Budget and Management Secretary Benjamin Diokno, ang naturang decrease ay resulta ng higit 600,000 trabahong binuksan sa nakaraang taon.

Facebook Comments