Bumababang bilang ng mga nagtatrabaho sa sektor ng agrikultura at manufacturing, dapat tutukan ng Duterte admin

Hinikayat ng Ibon Foundation ang administrasyong Duterte na tutukan ang bumababang bilang ng trabaho sa sektor ng agrikultura at manufacturing.

Ayon sa grupo, may mga sektor pa rin na napapabayaan sa kabila ng magandang resulta ng pag-aaral ng Philippine Statistic Authority o PSA na tumaas ang employment rate sa bansa.

Anila, mababang sahod at kontraktuwal na pagta-trabaho ang dahilan ng pagtamlay ng sektor ng agrikultura.


Facebook Comments