Bumababang COVID-19 trend sa Metro Manila at anim na high risk area, maaari pang ma-reverse; 50% ng populasyon sa mga nasabing lugar, pinamamadali nang bakunahan!

Nanawagan ngayon ang OCTA Research Group sa pamahalaan na pabilisin at padamihin pa ang mga binabakunahan sa bansa.

Ayon kay OCTA Research Fellow Guido David, binigyang-diin nito na bagama’t bumababa na ang COVID-19 cases sa bansa partikular sa Metro Manila, hindi pa rin bumabalik ang kaso sa dating pre-surge levels.

Ibig sabihin nito aniya ay nananatili pa rin ang panganib na dala ng virus at maaaring mag-reverse ang trend at tumaas ang kaso kung hindi agad mababakunahan ang mga mamamayan.


Batay sa pagtataya ng OCTA, kinakailangan na nasa 7.98 milyong katao o 50% ng kabuuang populasyon sa Metro Manila at anim na high risk area ang mabakunahan upang maabot ang herd immunity.

Pero ang pagtataya ng OCTA ay malayo pa sa target ng pamahalaan kung saan nasa mahigit 3 milyong katao pa lang ang nababakunahan, as of May 22, 2021.

Facebook Comments