
Ikinalugod ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumaba at pumalo na lang sa 0.9 percent ang naitalang inflation rate noong Hulyo.
Diin ni Romualdez, ipinapakita nito na mas abot kaya na ngayon ang presyo ng pagkain sa bansa.
Pangunahing binanggit ni Romualdez ang bigas na patuloy ang pagbaba ng presyo mula nang ipatupad ni Pangulong Ferdinang Bongbong Marcos Jr. ang pagbaba ng import tariff.
Sabi ni Romualdez, nakatulong din ang aktibong pagtupad ng Kamara sa oversight function nito upang matigil ang profiteering, hoarding, at price manipulation ng ilang trader, wholesaler, at middlemen.
Tiniyak naman ni Romualdez, na patuloy na magpupursige ang administrasyon at ang Kongreso para patuloy pang mapababa ang presyo ng pagkain para sa kapakanan ng mamamayang Pilipino.









