Bumabang tourism budget para sa susunod na taon, idinaing ni Secretary Frasco sa budget deliberations ng Kamara

Umapela si Tourism Secretary Christina Frasco sa Kamara na irekonsidera ang 20-porsyentong ibinaba sa pondo ng Department of Tourism o DOT sa ilalim ng panukalang 2024 national budget.

Hirit ito ni Frasco dahil ibinaba sa P2.99 billion ang panukalang pondo para sa susunod na taon na inilaan sa DOT mula sa P3.73 billion na budget nito ngayong taon.

Diin ni Frasco, mismong mga economic managers ang tumukoy sa turismo bilang pangalawa sa sektor na may malaking ambag sa paglago ng ekonomiya kung saan batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) na 6.2 percent ang ambag ng turismo sa GDP ng Pilipinas.


Pinagmalaki rin ni Frasco ang patuloy na pagbangon ng tourism sector at isang patunay nito na sa unang anim na buwan ng taon ay umabot na sa 3.4 million ang foreign tourist arrivals sa bansa.

Facebook Comments