
Ikinalugod ni House Committee on Labor and Employment Chairman at Cavite First District Rep. Jolo Revilla ang pagbaba sa 4.4 percent ng unemployment rate o kawalan ng trabaho sa bansa.
Pero punto ni Revilla, bagama’t magandang balita ang pagbaba ng unemployment rate ay nakakalungkot na hindi pa rin sapat ang dami ng trabaho dahil sa hindi patas na sahod.
Giit ni Revilla, hindi sapat na may trabaho ang ating mga kababayan dahil ang tunay na sukatan ng ating tagumpay ay ang pagkakaroon ng trabaho na may dignidad, magandang sahod, at seguridad sa hanapbuhay.
Dagdag pa ni Revilla, naninindigan din ang komite na dapat magkaroon ng national wage o nag-iisang halaga o batayan ng pasweldo sa buong bansa na magbibigay-daan sa pagbuwag sa regional tripartite wages and productivity boards.










