Manila, Philippines – Bumaba ang bilang ng mga nanlalaban at namamatay na drug suspek sa mga operasyon ng Philippine National Police kontra droga.
Ito ang inihayag ni PNP Spokesperson Sr. Supt Benigno Durana sa harap na rin ng pangamba ng human rights groups na mas maraming mamatay sa operasyon kontra droga.
Kasunod ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang SONA na mas magiging relentless and chilling ang war in drugs ng pamahalaan.
Ayon kay Durana, dalawang linggo ang nakakalipas ng matukoy ng PNP na mula sa limang drug suspek na nanlaban at namatay sa 100 drug operations ay bumaba na lamang sa isang drug suspek kada 100 drug operations.
Idinadahilan naman ni Durana ang aktibong pakikiisa ng komunidad, kagustuhan ng ilang sektor na maging less bloody at ang pagpapaangat pa ng stratehiya sa pagsasagawa ng double barrel kaya bumaba ang bilang ng mga nanlaban at namatay dahil sa drug operations.