Manila, Philippines – Bumaba ang imbentaryo ng dressed-chicken sa bansa. Base sa datos ng National Meat Inspection Service (NMIS), mula nitong February 20 ay bumaba ito sa 40.83% o katumbas ng 14,384 Metric Tons (MT) kumpara sa 24,314 Metric Tons noong nakaraang taon. Bumaba rin ang locally produced dress chicken sa 7,632 metric tons kumpara sa 13,241 MT sa kaparehas na panahon noong nakaraang taon. Dumausdos din ang imported dressed chicken sa 6,751 MT kumpara sa higit 11,000 MT noong nakaraang taon. Naitala naman ang mataas na imbentaryo ng lokal na manok sa region 3 o Central Luzon na may 3,992 metric tons, at sinundan ng National Capital Region (NCR) na may 1,352 metric tons.
Facebook Comments